Hindi pa man nagsisimula ang pagsasanay ay timbuwang at counted out agad ang boxing chief na si Ricky Vargas matapos ihayag na diskuwalipikado ito bilang presidente ng Philippine Olympic Committee (POC).

Ang phantom punch para sa president ng Association of Boxing Alliances of the Philippines’ ay inihayag mismo ng binuong 3-man panel sa ginanap na general assembly ng pribadong organisasyon Miyerkules ng hapon sa Wack-Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong.

Ang diskuwalipikasyon kay Vargas sa eleksiyon na itinakda sa Nobyembre 25 ay base sa itinakdang criteria noong isagawa ang huling eleksiyon apat na taon na ang nakalipas kung saan ang tanging kuwalipikado lamang ay ang mga pangulo ng national sports association (NSA’s) na aktibong dumadalo sa asembliya at nakapagsilbi sa kanilang mga asosasyon sa loob ng apat na diretsong taon.

Hindi din nakapasa sa 3-man panel na pinamumunuan ni Frank Elizalde, kilalang kaalyado ng kasalukuyang pangulo ng POC na si Jose Cojuangco, ang mga kasamahan ni Vargas na sina PhilCycling president at Cavite 5th District congressman Abraham Tolentino na kumakandidato bilang chairman.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Vargas and Tolentino did not meet the election requirement under Article 7 Section 11 of the POC constitution, for the president and chairman to have been “an active member of the POC general assembly for two consecutive years at the time of their election,” paliwanag ng binuong komite sa eleksiyon.

Tanging naiwan sa tiket ni Vargas sina Negros Occidental representative at Philippine Badminton Association (PBA) secretary general Alben Benitez na tumatakbo bilang 1st vice-president, dating PNP General at Muay Thai president Lucas Managuelod bilang 2nd vice president at si Samahang Basketbol ng Pilipinas executive director Sonny Barrios na kumakandidato bilang treasurer. (Angie Oredo)