PEÑARANDA, Nueva Ecija - Dahil sa sobrang kalasingan, isang 53-anyos na mekaniko ang aksidenteng nabundol ng motorsiklo habang pasuray-suray na tumatawid sa Rizal Street sa Barangay Sinasajan sa bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Ayon sa Peñaranda Police, galing sa pondahan at pauwi na si Manuel Trinidad y Padilla, alyas “Manny”, nang bigla itong tumawid kasabay ng pagdating ng motorsiklong minamaneho ni Jaime Barlis y Lopez, 45, may asawa, at nasapol ng motorsiklo si Barlis. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay