NEW YORK (AP) – Nagbukas ang 2017 season ng National Basketball Association (NBA) nitong Martes (Miyerkules sa Manila) tampok ang record 113 international player mula sa 41 bansa.

Ayon sa NBA, ito ang ikatlong sunod na taon na hitik sa international player ang lineup ng mga koponan.

Sa opening night, pumarada ang record 61 European, African (14) at Spanish (8). Nangunguna ang Canada na may pinakamalaking bilang na 11 player, kabuntot ang France na may 10, Brazil (9), Australia (8) at Crotia (5).

Nangunguna ang Utah Jazz na may pinakamaraming international sa line up, kasunod ang Dallas Mavericks, Denver Nuggets, Oklahoma City Thunder, Orlando Magic, Philadelphia 76ers, San Antonio Spurs at Toronto Raptors na may tig-anim. May tig-limang player naman sa Los Angeles Lakers, Minnesota Timberwolves at New York Knicks.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kabilang sa mga naglalaro ang mga premyadong international tulad nina Dragan Bender (Croatia), No. 4 overall sa rookie selection; Buddy Hield (Bahamas), No. 6 overall selection, at Jamal Murray (Canada), No. 7 overall selection.

Inaabangan din si Jakob Poeltl, No. 9 overall selection at kauna-unahang Austrian sa kasaysayan ng NBA,Thon Maker (South Sudan), No. 10 overall selection