MEXICO CITY (AP) – Tunnel na may riles para sa droga. Meth na ibinaon sa cheese, at heroin na nakatago sa isang package delivery. Ilan lamang ito sa mga nadiskubre ng mga awtoridad ng Mexico sa anti-drugs operations nitong Lunes.

Sinabi ng Mexican prosecutors na nakadiskubre sila ng isang tunnel sa border city ng Tijuana na patungo sa United States. Ang 563 metrong haba ng lagusan ay mayroong ventilation, lighting, at riles na ginagamit para maitulak ang mga droga sa kabilang hangganan. Natagpuan ang dalawang metriko tonelada ng marijuana sa bahay kung saan nagsimula ang tunnel sa bahagi ng Mexico.

Nabuko ng federal police ang 1.9 kilo ng methamphetamine na itinago sa bloke ng cheese sa isang package-delivery facility sa Mexico City.

Nahila naman ng sniffer dog ng federal police sa estado ng Jalisco ang 15.4 kilo ng heroin na nakatago sa isa pang package sa express-delivery service.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina