Chicago Cubs' Carl Edwards celebrates after Game 6 of the National League baseball championship series against the Los Angeles Dodgers, Saturday, Oct. 22, 2016, in Chicago. The Cubs won 5-0 to win the series and advance to the World Series against the Cleveland Indians. (AP Photo/Charles Rex Arbogast)CHICAGO (AP) — Nakamit ng Chicago Cubs ang kauna-unahang National League title mula noong 1945 at muling sasabak sa World Series para tuldukan ang 108 taong kabiguan.

Binokya ng Cubs ang Los Angeles Dodgers, 5-0, nitong Sabado (Linggo sa Manila) para selyuhan ang best-of-seven NL Championship series sa 4-2.

Nadomina ni Chicago’s Kyle Hendricks si Dodgers ace Clayton Kershaw, habang naitala nina Anthony Rizzo at Willson Contreras ang impresibong home run sa harap nang nagbubunying kababayan sa Wrigley Field.

Naselyuhan ang dominanteng panalo ng Cubs sa double play nina Aroldis Chapman at Yasiel Puig.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Dadayo ang Cubs para sa Game 1 ng World Series sa Cleveland sa Martes (Miyerkules sa Manila) kung saan naghihintay ang determinado ring Indians.

Hindi pa nagwawagi ng World Series ang Indians mula noong 1948.