BEIJING, China – Puno na sa mga “kasinungalingan” hinggil sa Mamasapano incident noong Enero 2015, pinag-iisipan ni Pangulong Duterte ang muling pagbubukas sa imbestigasyon sa malagim na operasyon na ikinasawi ng 44 na police commando.

Sinabi ng Presidente na gusto niyang malaman ang katotohanan sa nauwi sa trahedyang Oplan Exodus, pati na kung sino ang nakakuha sa $5 million reward na inialok ng United States para sa tinugis na terror suspect.

“Forty-four Mamasapano soldiers, they went inside, they died. No dramatics, no nothing,” sabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa isang business forum sa Beijing nitong Huwebes.

“Maybe in the days ahead, I will order the opening of that issue again. Not really to prosecute people but just to know what happened? Who got the five million?” aniya.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Inamin ni Duterte na nais niyang malaman ang mga detalye ng operasyon, pati na “whether the tip of the finger of Marwan, was gotten by the Special Forces of United States or was it really brought to the forensic division in Crame.”

“These are the lies that are imposed upon the people which is not good. Let us go for the truth. Let it out. Never mind about corruption. Too late in the day,” dagdag pa niya.

Nauna nang tinukoy ng Office of the Ombudsman na may pananagutan si dating Philippine National Police chief Alan Purisima at si dating Special Action Force (SAF) head Getulio Napeñas sa madugong engkuwentro.

Nahaharap sina Purisima at Napeñas sa mga kasong graft at usurpation of authority sa pagpaplano at pagsasagawa ng Mamasapano operation nang walang pahintulot ng PNP officer in charge (OIC) noon na si Deputy Director General Leonardo Espina.

Inako na ni Presidente Aquino ang responsibilidad sa Mamasapano tragedy ngunit tumangging humingi ng paumanhin sa mga pagkakamali sa police operation. Ibinunton niya ang sisi sa mga opisyal ng pulis na hindi tumalima sa kanyang mga utos kabilang na ang pakikipagtulungan sa militar sa pagsasagawa ng misyon. (Genalyn D. Kabiling)