TORONTO (AP) — Umusad sa World Series ang hindi inaasahang koponan bunsod nang hindi inaasahang kahusayan ng rookie player sa pitching.

Ibinigay ni Cleveland rookie Ryan Merritt ang bentahe para makausad si Andrew Miller sa bullpen, tungo sa 3-0 panalo kontra Toronto sa Game 5 ng AL Championship Series nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Ito ang kauna-unahang kampeonato ng Indian mula noong 1997.

Lalaro ang Cleveland sa Progressive Field, kauna-unahang Game 1 hosting sa World Series, kontra sa magwawagi sa pagitan ng Chicago Cubs at Los Angeles Dodgers.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sisikapin ni team manager Terry Francona na magabayan ang Indians sa World Series upang masundan ang kasiyahan sa Cleveland matapos madala ni LeBron James sa NBA championship ang Cavaliers.

Huling naging kampeon ang Indians noong 1948.

“We always said if we could do it with this group it would be so special because this is as close to a family feel as you can get in a professional setting. So for that part of it, it is beyond feeling good,” pahayag ni Francona.

Tinanghal na ALCS MVP si Miller, nakuha ng Indians mula sa New York Yankees sa midseason trade.

“I feel like I’ve said the word ‘special’ a million times in the last 20 or 30 minutes. But it’s the truth. It’s a blast to be a part of,” pahayag ni Miller.