BRASÍLIA (AFP) – Inaresto ng Brazilian police noong Miyerkules si Eduardo Cunha, ang nagsulong ng impeachment ni dating Pangulong Dilma Rousseff, sa bagong corruption probe na yumanig sa bansa.

Si Cunha, 58, binansagang Frank Underwood ng Brazil mula sa tusong bida ng US political television series na “House of Cards”,' ay inakusahan ng pagtanggap ng $40 million suhol sa Petrobras, ang oil company ng estado, at itinago ang pera sa Swiss bank accounts. Itinanggi niya ang lahat ng akusasyon.

Iniutos din ng mga awtoridad ang pagsamsam sa walong sasakyan ni Cunha, kabilang ang dalawang Porsche Cayenne, at iba pang mga ari-arian na nagkakahalaga ng halos $70 million.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina