Inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) en banc nitong Martes ang P10.6 milyong budget para sa diagnostics ng mahigit 81,000 precinct count optical scan (PCOS) machines na binili ng ahensiya mula sa technology provider na Smartmatic.
Ayon kay Commissioner Rowena Guanzon, gagamitin ang budget para alamin kung maaari pang magamit ang 81,896 PCOS machines para sa 2019 senatorial elections.
Tiniyak ni Information Technology (IT) Department Director Ferdinand de Leon na matatapos ang pagsusuri sa mga makina sa loob lamang ng 91 araw o tatlong buwan. (Mary Ann Santiago)