Natigil ng University of Santo Tomas ang pagkakadapa sa UAAP Season 79 basketball tournament sa impresbong 73-69 panalo kontra National University nitong Sabado sa Smart-Araneta Coliseum.

Nanguna sa matikas na panalo ng Tigers si Marvin Lee na kumana ng 22 puntos, tatlong rebound at apat na steal.

Naisalpak ni Lee ang lima sa pitong three-pointer para putulin ang five-game losing skid ng Tigers.

Bunsod nito, walang duda na karapat-dapat si Lee para sa ACCEL Quantum/3XVI-UAAP Press Corps Player of the Week award.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“I was surprised that I hit those shots. We have been working on our shots in practice and our hard work paid off,” sambit ni Lee.

Malamya ang simula ng opensa ni Lee, ngunit pinalakas ang kanyang loob ni coach Boy Sablan.

“I told Marvin to just take those shots. He has been practicing hard,” sambit ni Sablan.

Ginapi ni Lee sa parangal sina University of the Philippines’ Javi Gomez De Liano at La Salle’s Jeron Teng.

“The next assignment will be La Salle (on Sunday) and that’s our main focus,” pahayag ni Sablan.