Hindi na mabubura ang mapait na alaala sa isipan ng isang ama habang siya ay nabubuhay makaraang sa harap niya mismo pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi kilalang mga suspek ang dalawa niyang anak sa Caloocan City, nitong Sabado ng gabi.

Nagpupuyos sa galit si Pepito Piedraverde, 65, ng Yakal Street, Barangay 178, Camarin, habang nakatao sa burol ng kanyang mga anak na sina Analiza, 38; at Erick, 28 anyos.

Ayon sa report, dakong 6:30 ng gabi at nanonood ng telebisyon ang magkapatid na Piedraverde kasama ang ama nang biglang pumasok sa bahay ang dalawang lalaki na nakasuot ng bonnet at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala sina Analiza at Erick.

Hindi naman idnamay ng mga salarin si Pepito at agad na tumakas matapos ang pamamaril.

National

Revilla, sumuko na: 'Nakakalungkot po parang wala yatang due process'

Itinanggi rin ni Pepito na sangkot sa ilegal na droga ang kanyang mga anak.

Naniniwala ang pamilya Piedraverde na kahit hindi sangkot sa droga ay pinapatay na ngayon, at hindi rin sila naniniwala na may vigilante group na nagsasagawa ng pamamaslang. (Orly L. Barcala)