SARIAYA, Quezon – Labing-apat na katao ang naaresto habang siyam na dump truck naman ang kinumpiska ng mga operatiba ng National Environmental Crime Task Force (NAECTF) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), National Bureau of Investigation (NBI), Quezon Police Provincial Office, Philippine Army at Philippine Coast Guard, dahil sa umano’y illegal quarrying operation ng mga ito sa paanan ng Mount Banahaw sa Barangay Sampaloc 2 sa bayang ito, nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni DENR Undersecretary Arturo Valdez ang mga naaktuhan at inaresto na sina Reynaldo F. Policarpio, 49, driver, ng Sta. Maria, Bulacan; Gerry A. Cabuyao, 47, driver, ng Tayabas City; Jaymar A. Manalo, 21, backhoe operator, ng Sariaya; Dennis A. Gaa, 37, coordinator, ng Sariaya; Rogelio A. Lubay, 50, backhoe operator, ng Padre Burgos; Marvin C. Malarasta, 21, coordinator, ng Sariaya; Marvin Del Mundo De Chavez, 21, helper, ng Sariaya.

Dinakip din sina Marlon M. Javier, 28, driver, ng Sariaya; Manuel R. Faustino, 54, driver, ng Sta. Maria, Bulacan; Florante G. Gulinao, 39, driver, ng Sta. Maria, Bulacan; Angelito E. Politico, 34, driver, ng Sariaya; Marc Anthony Accad Gamboa, 25, driver, ng Isabela; Benjie Gamboa Daguro, 21, driver, ng Angadanan, Isabela; at Rufino Nepomoceno Bartolome, 53, driver, ng Bustos, Bulacan. (Danny J. Estacio)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?