ANKARA (AFP) – Naglabas ng arrest warrants ang Turkish prosecutors noong Biyernes para sa 189 judge at prosecutor kaugnay sa hinalang pagkakaugnay ng mga ito sa US-based Islamic cleric na inakusahang utak ng bigong kudeta noong Hulyo.

Inisyu ng Ankara public prosecutor ang mga warrant batay sa akusasyong gumamit ang mga ito ng encrypted messaging app na ByLock, na ayon sa Turkish authorities ay ginagamit ng mga tagasunod ng kilusan, ayon pa sa official Anadolu news agency.

Inakusahan ang Muslim preacher na si Fethullah Gulen na plinano ang kudeta mula sa bahay nito sa Pennsylvania, katuwang ang kanyang mga tagasunod sa state institutions ng Turkey para mapatalsik si President Recep Tayyip Erdogan.

Mariing itinanggi ni Gulen, namumuhay sa self-imposed exile simula 1999, ang mga akusasyon.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture