NEW YORK (AP) — Kung naganap sa Russia ang kutsabahan sa doping, posibleng maganap din ito sa ibang bansa.

Ayon kay Olivier Niggli, ang bagong director general ng World Anti-Doping Agency (WADA), palalawakin ng ahensiya ang imbestigasyon para mahukay ang posibleng kutsabahan ng ibang sports super power na tulad nang naganap sa 2014 Sochi Olympics sa Russia.

“It has happened in one country. I think it would be naive to think it’s the only country,” pahayag ni Niggli sa panayam ng The Associated Press. “We have to have our eyes really open and also make sure we act on intelligence and information we might get.”

Sa imbestigasyon ng WADA, direktang may kinalaman ang pamahalaan sa naganap na malawakang pagmanipula ng mga resulta sa drug-test ng mga atleta sa Moscow anti-doping lab mula 2011 hanggang 2013.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Mahigit 100 Russian athletes, kabilang ang buong koponan ng track and field ang hindi pinayagang makalahok sa Rio de Janeiro Olympics nitong Agosto.

Ayon kay Niggli, isang Swiss lawyer at pumalit kay David Howman nitong Hulyo 1, may nakuhang ebidensiya ang WADA hingil sa planong drug-testing ng FIFA para sa 2018 World Cup sa Russia.

“It’s still sufficiently far away to hope that things will have changed and improved in Russia,” pahayag ni Niggli.

“It’s very important that we be able to work with the Russians to try to set up a system that is called compliant and that will provide some safeguards so that everybody regains confidence in what is going on there.”

Iginiit din niyang, tanggap ng WADA ang desisyon ng Court of Arbitration for Sports kung saan ibinaba sa 15 buwan mula sa dalawang taon ang suspensiyon kay Russian tennis superstar Maria Sharapova.

Nagpositibo si Sharapova sa ‘meldonium’ na napabilang sa listahan ng mga ipinagbabawal na gamot nitong Enero. Inamin ng Grand Slam champion ang paggamit ng gamot mahigit isang dekada na bilang medisina sa kanyang karamdama.