Makakapanood na ng telebisyon ang mga bingi kapag nailabas ang Implementing Rules and Regulations (IRR) sa Republic Act No 10905 o ang Closed Caption Law.
Tiniyak ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Eugenio Villareal na sa susunod na buwan ay maihahain nila ang IRR ng nasabing batas.
Ayon kay Senator Grace Poe, inaatasan ang lahat ng television operators na maglagay ng closed caption sa presentasyon ng kanilang programa para sa kapakinabangan ng mga bingi.
Nilagdaan ng Pangulo ang R.A. 10905 noong Hulyo 21, at naging epektibo 15 araw matapos mailathala. Dapat na mabuo ang IRR nito hanggang sa Disyembre 14. (Leonel M. Abasola)