LOS ANGELES (AP) – Naungusan ng Portland Trail Blazers, sa pangunguna ni Damian Lillard, ang Lakers sa overtime, 109-106, nitong Martes (Miyerkules sa Manila) sa NBA pre-seson.

Hataw si Lillard sa naiskor na 30 puntos.

Nanguna si Jordan Clarkson sa Lakers sa natipang 16 puntos.

MAVS 114, THUNDER 109

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa Dallas, ratsada sina Dwight Powell at JJ Barea sa 114-109 panalo ng Mavericks kontra OKC Thunder.

Kumubra si Powell ng 16 puntos, habang kumana si Barea ng 15 puntos.

Nanguna si Ersan Iyasova sa Thunder sa naiskor na 19 puntos at 11 rebound.

HEAT 121, NETS 100

Sa Miami, winasak ng Heat ang New Jersey Nets.

Kumana si Goran Dragic ng double-double -- 17 puntos at 11 assist – para sa Miami.