Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang low pressure area (LPA) na namataan sa bisinidad ng Surigao City dahil posible itong maging ganap na bagyo sa loob ng 24 oras.
Sa huling bulletin ng PAGASA, namataan ang LPA sa layong 990 kilometro Silangan ng Surigao City. Posible itong magdala ng malakas na ulan at thunderstorm sa Eastern Visayas at Caraga. “Residents in these areas are alerted against possible flashfloods and landslides,” babala ng ahensiya.
Kapag tuluyang naging bagyo, tatawagin itong “Karean”, ang pang-11 ngayong taon. (Rommel P. Tabbad)