NEW YORK (AP) — Balik tennis court si Russian superstar Maria Sharapova sa kauna-unahang pagkakataon matapos bawasan ng Court of Arbitration in Sports (CAS) ang doping ban na ipinataw sa kanya.

Kabilang si Sharapova, isa sa pinakamaganda at pinakamayamang tennis player sa mundo sa World Team Tennis Smash Hits na magsasagawa ng charity event sa Lunes (Martes sa Manila) sa Las Vegas.

Ipinahayag ng WTT na lalaro si Sharapova sa naturang event na itinataguyod nina tennis legend Billie Jean King at Elton John sa Caesars Palace. Mapupunta ang kikitain sa Elton John AIDS Foundation.

“I’m really excited to get back on the court for a great cause and I’m looking forward to a great night of tennis.” pahayag ni Sharapova.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?