billy-bush-copy

SINUSPINDE ng NBC ang television personality na si Billy Bush sa Today show matapos ang fallout dahil sa 2005 taped lewd conversation ng host kay U.S. Republican presidential nominee Donald Trump, ayon sa memo ng show na nasilip ng Reuters nitong nakaraang Linggo.

Ibinaba ang suspension kasabay ng pag-urong ng suporta ng maraming Republicans kay Trump dahil sa video na lumutang noong Biyernes na nagpapakita sa negosyante, noon ay reality TV star, habang kausap si Bush sa open microphone tungkol sa panghihipo sa mga babae at tangkang pang-aakit sa isang married woman.

Nairekord ang usapan ni Trump at ni Bush, na noon ay host ng Access Hollywood ng NBC, bago gumiling ang segment na kanilang kukunan.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sinabi ni Bush sa isang pahayag sa Variety noong Biyernes na siya ay “embarrassed and ashamed” sa kanyang mga naging komento.

Sinabi ng NBC na indefinite ang suspension ni Bush sa Today.

Isinulat ni Noah Oppenheim, executive in-charge sa morning show, sa memo sa staff na, “there is simply no excuse for Billy’s language and behavior on that tape.”

Ayon pa kay Oppenheim: “NBC has decided to suspend Billy, pending further review of this matter.”

Ang kontrobersiya ay nagdulot ng pinakamalaking krisis sa kampanya ni Trump, 70, at sa Republicans isang buwan bago ganapin ang presidential election sa US sa Nobyembre 8. (Reuters)