sarah-at-matteo-copy

TATLONG taon na palang magkasintahan sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang third anniversary as a couple sa Cebu. Nag-spend ng three-day trip ang magsing-irog sa mismong bayan ng aktor.

Nagkuwento si Matteo ng kanilang whale shark experience, “It was Sarah’s first time, it was my first time also.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Magaling ‘yun maglangoy,” proud niyang sabi.

Matagal na raw plano ng magdyowa na bisitahin ang Cebu, na nataong hometown din ni Matteo o doon naninirahan ang kanyang pamilya.

Ikinuwento rin ni Matteo kung gaano kamahal ng kanyang Mama si Sarah.

“Mama loves her. Mama treats her like her own, I guess,” ani Matteo.

Natatawa si Matteo sa tsikang ang tawag daw ng kanyang Mom kay Sarah ay “anak.” 

“Mama doesn’t really call anak, she just calls Sarah, Sarah.”

“Tita” naman daw ang tawag ni Sarah sa mommy ni Matteo.

Hindi itinanggi ni Matteo na kung minsan ay napag-uusapan na nila ni Sarah ang paglagay sa tahimik o pagpapakasal.

Tumatakbo raw ang panahon at siya ay 26 years old na.

“Twenty six, eh, di okay pa naman. Ayos pa naman. We’re now enjoying life and we’ll see. We have to think about the future also,” pahayag ni Matteo. (ADOR SALUTA)