alden-maine-in-bohol-copy

WALANG kapaguran si Alden Richards. Kadarating lang niya mula sa successful concert niya sa London last Wednesday evening, pero kinabukasan ay lumipad na agad sila ni Maine Mendoza patungong Bohol. Kasama nila sina Bossing Vic Sotto, Mr. Tony Tuviera at Direk Tony Reyes.

Yes, may special guest appearance ang AlDub sa entry ng M-Zet Productions na Enteng Kabisote 10 The Abangers sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Disyembre.

Ayaw pang sabihin ni Direk Tony Reyes kung ano ang role nina Alden at Maine, pero ayon sa kanya, iyon daw ang perfect location for the plot of the movie franchise. Ipi-feature rin nila sa movie ang famous scenic spots ng Bohol at igagawa pa ito ng documentary na magpapakita ng iba pang attractions sa Bohol.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Matatandaan na noong MMFF 2015, kasama nina Bossing Vic at Ai Ai delas Alas ang AlDub love team sa box-office movie nilang My Bebe Love #Kilig Pa More.

Sinalubong sila sa Bohol ni Gov. Edgar Chatto. Magsu-shooting din sila sa Panglao Bluewater Beach Resort at sa isang private beach resort sila mag-stay.

Welcome respite iyon para kina Alden at Maine dahil na rin sa sunud-sunod nilang trabaho. Ilang araw din si Alden sa London at si Maine naman, sa araw-araw na sugod-bahay nila nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

Isa pang magandang balita ang sumalubong kay Alden sa pagbalik niya mula sa London ang pagkakapili sa kanya bilang isa sa hosts ng 21st Asian Television Awards na gaganapin sa Singapore sa December 2. (NORA CALDERON)