HOLLYWOOD, Florida (AP) — Dagok sa promosyon ng Ultimate Fighting Championship.

Ipinahayag ng pamosong mixed martial arts promotion na pumanaw si UFC middleweight fighter Josh Samman, 28, nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) matapos ang mahigit isang linggo na pamamalagi sa ospital dulot ng drug overdose.

Sinabi ni Dr. Craig Mallak, chief medical examiner sa Broward County, na isinugod sa ospital si Samman at limang araw nang comatose.

Batay sa ulat ng Hollywood Police Department, inimbestigahan ang isyu ng droga nang matagpuang walang malay si Samman, ngunit may tibok ang pulso nitong Huwebes.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Kasamang natagpuan ng pulis si Troy Kirkingburg, kaibigan ni Samman at isang MMA announcer, ngunit idineklara itong dead at the scene. Ayon sa pulis, walang indikasyon ng foul play.

"This is just brutal. Such a talented guy. Rest In Peace Josh," pahayag ni UFC heavyweight champion Stipe Miocic sa Twitter.

Nagsimula si Samman sa MMA noong 2007 at napabilang sa premyadong fighter ng UFC noong 2013 kung saan naitala niya ang impresibong debut knockout win kontra kay Kevin Casey, son-in-law ng namayapang boxing icon na si Muhammad Ali.

"RIP Josh Samman," pahayag ni UFC President Dana White.