Isang panalo na lamang ang kailangan ng season host University of Santo Tomas para makopo ang final slots sa men’s at womens division ng UAAP Season 79 beach volleyball tournament.

Nakopo ng UST belles ang ika-anim na sunod na panalo sa magkahiwalay na karibal nitong Martes sa Sands SM By the Bay.

Humakbang palapit sa outright finals berth sina Cherry Rondina at Jem Gutierrez matapos ang 21-9, 21-13 tagumpay laban kina Jema Galanza at Bernadette Flora ng Adamson University.

May tsansa ang UST pair na makamit ang automatic entry sa best-of-three title series kung magwawagi sila kontra Far Eastern University sa huling araw ng eliminasyon sa Biyernes.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa mens’ division, naitala naman nina KR Guzman at Anthony Arbasto ang ika-6 na sunod na panalo kasunod ng 21-12, 21-17 dominasyon kina Rence Melgar at John Philip Yude ng Falcons.

Sa iba pang mga laro, umusad din ang Lady Tamaraws sa semifinals kasama ng naunang Tigresses nang talunin ng tambalan nina Bernadeth Pons at Kyla Atienza ang National University duo nina Aiko Urdas at Roma Doromal, 21-6, 21-16, upang umangat sa barahang 5-1. (Marivic Awitan)