Patay ang isang guro matapos pagbabarilin nang tambangan ng hindi pa nakilalang lalaking suspek sa Pagadian City, Zamboanga del Sur, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa report ng Pagadian City Police Office (PCPO), agad na nasawi ang gurong si Logan Natividad dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Batay sa imbestigasyon, kagagaling lang ni Natividad sa inuman at pauwi na nang pagbabarilin. Hindi pa batid ang motibo sa krimen. (Fer Taboy)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder