PORT-AU-PRINCE (AFP) – Ipinagpaliban ng Haiti ang presidential at legislative elections na nakatakda sana sa Linggo dahil sa laki ng pinsalang idinulot ng pananalasa ng hurricane ‘Matthew’.
Sinabi ni Leopold Berlanger, pangulo ng Provisional Electoral Council ng Haiti, na iaanunsyo nila ang bagong petsa para sa halalan sa susunod na Miyerkules matapos ang konsultasyon sa iba’t ibang partido.
Umabot na sa 10 katao ang kumpirmadong namatay sa pagtama ng Category Four hurricane ‘Matthew’ sa Haiti noong Martes dala ang lakas ng hangin na 230-kilometro kada oras.