ZAMBOANGA CITY – Naaresto ng pulisya ang isang AWOL (absent without official leave) na pulis at kasamahan niya sa ikinasang drug entrapment at buy-bust operation sa Barangay Tugbungan sa siyudad na ito, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Tetuan Police Chief Supt. Nonito Asdai ang nadakip na sina PO2 Jeffrey Herbano y Miel, nasa hustong gulang, dating operatiba ng Zamboanga City Police Office, at residente ng Bgy. Tetuan; at Allan Mapa y Samson, 42, may asawa, ng Bgy. Tugbungan.

Sinabi ni Asdai na dakong 6:15 ng gabi nitong Lunes nang isinagawa ang buy-bust sa Bagong Dalan sa Bgy. Tugbungan, at nakumpiska mula kay Herbano ang 11 medium-sized plastic sachet ng hinihinalang shabu, marked money at drug paraphernalia. (Nonoy E. Lacson)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder