Sa kabila ng sunud-sunod na atake ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Estados Unidos, tuloy pa rin ang pag-alalay ng dayuhang bansa sa Pilipinas.

Ayon sa press attaché ng US Embassy na si Molly Koscina, anumang concern ng Pilipinas ay handang umagapay ang kanilang bansa.

Rerespetuhin din umano ng Washington ang alliance commitment nito at umaasa sila na gayundin ang gagawin ng Pilipinas.

Ang pahayag ni Koscina ay base na rin sa sinabi ng Pangulo nitong Linggo na ipapa-review niya ang 2014 Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng dalawang bansa.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Sinabi ng US officials na wala pa naman silang opisyal na komunikasyon hinggil dito.

Sa Washington D.C., inihayag naman ni US State Department Spokesperson Elizabeth Trudeau na naka-focus ang US sa malalim, malawak at makasaysayang partnership nito sa Pilipinas.

“We have a scope of relationship that spans all of the gamuts – diplomatic, military, certainly people-to-people. The cultural ties that our two peoples have are deep and broad. So we’re very focused on that and we’re very focused on the relationship,” ayon kay Trudeau sa isang press briefing.

Ang partnership ng US at Pilipinas ay tumatagal na ng 70 taon. Bukod sa kaalyado, itinuturing umano ng US ang mga Pilipino bilang best friends. (Elena L. Aben)