Nahulog sa kamay ng pulisya ang isang magsasaka na akusado sa rape, sa entrapment operation sa Cagayan de Oro City sa Misamis Oriental, kahapon.

Ayon kay Chief Insp. Melgar Devaras, ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Cagayan de Oro City, ang suspek ay si Gregorio Navarro, 41, ng Barangay Bugo, Cagayan de Oro City.

Batay sa report ng CIDG sa lungsod, nakipagtulungan sa kanila ang live-in partner ni Navarro upang maaresto ito sa panghahalay umano sa anak na babae ng kinakasama ng suspek. (Fer Taboy)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder