NAAWA kami sa aktor na gustung-gusto nang magkaroon ng project pero hindi binibigyan ng network na huli niyang pinagtrabahuhan.

“Nagbakasyon kasi siya nang matagal sa ibang bansa,” kuwento ng source, “siyempre sinulit niya ‘yung time na wala siyang ginawa kundi mag-work and he almost forgot his family dahil nga hindi na siya nakakausap kasi uuwi lang siya ng bahay to sleep and take a bath.

“Then when the time he finished all his projects, he and his family took a vacation na umabot ng three months, then pagdating dito hindi pa rin siya kaagad nag-work kasi nga umalis ulit siya to visit naman his other relatives in Europe.

“So napansin ni _____ (aktor) na parang hindi siya hinahanap ng (network) niya, parang okay lang na wala siya kasi nasanay siya na ilang araw lang ang bakasyon niya kasi may projects or something.

Teleserye

Higop King Supremacy! Leading ladies na 'hinigop' ni Joshua Garcia sa teleserye

“Eh, wala talaga, so panay ang alis niya ng bansa until he realized na long overdue na siyang walang projects.

“He asked directly (ang execs ng network) kung ano’ng plano, wala pa raw maibigay na project sa kanya kasi may kanya-kanyang love team na raw and in his case, he doesn’t need ang love team anymore because he’s a little bit old na to have a love team.”

Hindi kami pumabor sa ‘little bit old to have a love team’ dahil mayroong aktor na malapit nang sumampa sa 40 ay may ka-loveteam pa rin at kinikilig ang fans sa kanya at sa ka-love team niya bukod pa sa patok lahat ang projects niya.

“Don’t compare him to _____ (actor na almost 40 na) because he’s everybody’s favorite,” sabi sa amin.

Ay, ganu’n po ba?

As of now, ang aktor na gustung-gusto ng magka-project ay nasa bahay lang at binibilang siguro ang mga haligi ng balaysung niya. Hindi lang namin alam kung single siya ngayon o may girlfriend dahil ang balita namin ay ikinasal na sa iba ang girlash na huling nakarelasyon niya. (Reggee Bonoan)