Naniniwala si dating Senate President Juan Ponce Enrile na hindi dapat kumalas ang Pilipinas sa pakikipag-alyansa sa United States at panatilihin ang Enhanced Defense Economic Cooperation (EDCA), war games at Balikatan exercises.

“You can do that if you have a substitute for EDCA, but don’t throw away weapon that will leave you powerless, there are many interest, kung bibitawan EDCA, ano kapalit? Very few countries can stand alone, even Amerika. Pabayaan natin ang EDCA, we must find additional cover for our security,” paliwanag ni Enrile, sa forum ng Samahang Plaridel sa Manila Hotel kahapon ng umaga.

Naniniwala rin si Enrile na magiging epektibong lider si Digong at hinikayat ang sambayanang Pilipino na bigyan ng pagkakataon ang Pangulo dahil hindi naman ito “superman at magician” para magawa ang mga dapat gawin sa maiksing na panahon. - Mary Ann Santiago

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?