CHASKA, Minnesota (AP) — Hindi kumurap ang US golf team at kinumpleto ang matikas na ratsada sa Day 1 sa impresibong kampanya sa singles match para maagaw ang Ryder Cup sa Europe nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Nakopo ng Americans ang 17-11 panalo, pinakamalaking bentahe sa nakalipas na 35 taon ng Ryder Cup.

“When put in the right environment, the US team brought out some amazing golf,” pahayag ni Phil Mickelson.

“And we’re bringing back the Ryder Cup because of it.”

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa kauna-unahang pagkakataon mula noong 1975, bawat American player ay nakapanalo ng isang laro at sa unang pagkakaton mula noong 2008, tinanghal na kampeon ang US Team.

“You’re only as strong as your 12th man right there,” pahayag ni Brandt Snedeker.