Ang New Tarlac Coliseum sa ilalim ng bagong tagapamahala ay muling magbubukas ngayon araw tampok ang kanilang NTC Grand Re-Opening 5-Stag Derby na may garantisadong premyo na P1 milyon na sinasabing isa sa pinaka-prestihiyosong labanan na magaganap sa maunlad na lungsod sa Gitnang Luzon.

Pasabong nila Pipo Soliman at mga kasama na suportado ng Thunderbird Bexan XP biang exclusive sponsor, ang matinding labanan ay papainitin ng 2017 World Pitmasters Cup dancers at round girls mula sa Maynila.

Hindi kukulangin sa 100 sultada ang nakalatag na magsismula ng ika-2 ng hapon.

Nakahanda para bigyan-kasiyahan ang mga Tarlaqueños ay ang mga piling miyembro ng Ulmiate Fighting Cock Chamionships (UFCC) at nang National Cockers Alliance tampok sina Charlie “Atong” Ang, Engr. Sonny Lagon, Arjay Mea, Gov. Ito Ynares, Mayor Elan Nagano, Mayor Max Roxas, Bebot Roxas, Gerry Ramos, Pao Malvar, Joey delos Santos, Eric dela Rosa, Ka Ador Pleyto, Ka Luding Boongaling at iba pa.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA