Muling sasabak sa ikalawang yugto ng usaping pangkapayapaan ang Philippine Government at National Democratic Front (NDF) sa Oslo, Norway.

Inaasahang magkakaroon ng positibong resulta ang usapan ng magkabilang panig sa kauna-unahang pagkakataon, lalo na’t sa loob ng 30 taon, 40 peace talks ang hindi nagtagumpay.

Bigo ang mga naunang peace talk dahil hindi pumapayag ang mga nakaraang administrasyon sa hiling ng rebeldeng grupo na pakawalan ang political prisoners. Nangyari din ito sa Aquino administration noong 2011.

Sa kasalukuyang administrasyon, noong Agosto ay positibo ang unang yugto ng peace talk sa Scandic Holmenkollen Park Hotel.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

Nagdeklara ng tigil-putukan ang magkabilang panig at inumpisahan ang negosasyon.

“This is the warmest and kindest negotiations I have seen in all my life,” reaksyon ni Norwegian Foreign Minister Borge Brende. Ang Norway ay nagsisilbing ‘third party facilitator’ sa negosasyon.

Sa Oktubre 6, ipagpapatuloy ang usaping pangkapayapaan sa Holmen Fjordhotel, sa Oslo.

“We’ve been doing our homework (since the end of the first round of the talks), and we’ll be bringing these building blocks of peace to Norway this time around,” ayon kay Presidential Peace Adviser Jesus Dureza.

Ang pagkakaroon ng peace agreement ay inaasahan sa loob ng isang taon. - Rocky G. Nazareno