Ni NORA CALDERON

bea-at-derrick-copyTOTOO pala iyong nakita naming nagmamaneho ng pampasaherong jeep si Derrick Monasterio at barker naman niya si Bea Binene.

Nag-emmersion pala ang dalawa para sa Tsuperhero, ang bago nilang programa sa afternoon prime ng GMA-7 para malaman kung paano mamasada ng jeep. 

Pero kung nag-aral ang dalawa ng kanilang respective roles, naroon din ang pressure dahil first time nilang makakasama sa isang project ang mga mahuhusay na artista. Sino nga ba ang hindi kakabahan kina Gabby Concepcion, Alma Moreno at Michael V?

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Pressured po ako kay Sir Bitoy, kasi ang husay-husay niya sa kahit anong role na gampanan niya,” napapangiting wika ni Derrick. “Pero nang nagti-taping na po kami, sila naman pala iyong mga tipo ng artista na tutulungan ka para maayos mo ring magampanan ang iyong role. Kaya po pressured na excited ako tuwing magti-taping kami.”

“Ako po naman hindi ko akalaing ganoon din pala kahirap ang maging barker, iyong magtawag ka ng mga pasahero,” kuwento naman ni Bea.

“Nakakapaos din ng boses lalo na kung walang mga pasaherong dumarating para mapuno agad ang jeep. Iba pong experience sa akin at iba ring experience na makasama naman sina Tito Gabby, Tita Alma at Kuya Bitoy, although si Kuya Bitoy, matagal-tagal ko na ring nakasama sa sitcom naming Pepito Manaloto.”

Busy na sila sa taping ngayon dahil malapit na silang mapanood, kapalit ng Sa Piling Ni Nanay.