SEOUL (AFP) – Maaaring gumagawa ang North Korea ng bago at mas malaking submarine para sa ballistic missiles, ayon sa mga imahe mula sa satellite na binanggit ng isang US think tank.
Lumabas ang balita matapos magtangka ang North noong Agosto na magpakawala ng submarine-launched missile (SLBM), 500 kilometro patungo sa Japan, na ayon kay leader Kim Jong-Un ay kaya ring tamaan ang US mainland at Pacific.
‘’Commercial satellite imagery strongly suggests that a naval construction program is underway at North Korea’s Sinpo South Shipyard, possibly to build a new submarine,’’ sinabi ng US-Korea Institute sa Johns Hopkins University sa website nito.