Nagbabala si Pope Francis nitong Sabado laban sa isang “global war” kontra sa tradisyunal na pag-aasawa at pamilya, sinabing parehong nasa gitna ng pag-atake ang mga ito dahil sa gender theory at diborsiyo.

Ito ang naging komento ng Santo Papa nang bigla siyang tanungin sa pulong ng isang maliit na Katolikong komunidad sa Georgia.

“You mentioned a great enemy of marriage: gender theory,” sagot ni Pope Francis sa isang babae na nagtanong sa kanya tungkol sa nasabing teorya na itinuturo sa mga paaralan.

Hindi na ipinaliwanag ng Papa ang kanyang sagot.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Ang gender theory ay isang konsepto na bagamat ang isang tao ay isinilang na babae o lalaki, mayroon siyang karapatan na magdesisyon sa sarili kung siya ba ay babae, lalaki, pareho o wala sa alinman sa dalawa.

“Today, there is a global war out to destroy marriage,” sabi ni Pope Francis. “Not with weapons but with ideas… we have to defend ourselves from ideological colonization.”

Una nang ginamit ng Papa ang “ideological colonization” upang kondenahin ang aniya’y pagsisikap ng mayayamang bansa na iugnay ang pagkakaloob ng ayuda sa mga polisiyang panlipunan, gaya ng pagpapahintulot sa gay marriage at contraception.

Mas bukas sa pagtanggap sa mga homosexual kumpara sa mga nauna sa kanya ngunit mariing tinututulan ang gay marriage, ito rin ang praseng ginamit ni Pope Francis upang panindigan ang sinabi niyang “marriage is the most beautiful thing that God has created”.

Sa kaparehong tugon, sinabi ng Santo Papa na ang pagdami ng tumatanggap sa diborsiyo ay isa pang matinding banta sa pamilya.- Reuters