SAN QUINTIN, Pangasinan – Binaril at napatay ng hindi nakilalang lalaking lulan sa motorsiklo ang presidente ng Association of Barangay Captains (ABC), sa Purok Dos sa Barangay Cabalaoang sa bayang ito, nitong Sabado ng umaga.

Sinabi ni Senior Insp. Rowel Albano, hepe ng San Quintin Police, na isang beses lang na binaril sa ulo si Ruel Fererria, chairman ng Bgy. Calomboyan, at hindi na umabot nang buhay sa Eastern Pangasinan District Hospital sa Tayug.

Dakong 11:15 ng umaga nitong Sabado nang mangyari ang insidente, at inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen. - Liezle Basa Iñigo
Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar