Hinimok ni Speaker Pantaleon Alvarez ang mga kawani ng Kamara na suportahan ang 10-point Socio-Economic Agenda ng Pangulong Duterte, tulad ng pederalismo, tax reform package at paglaban sa illegal drugs, sa selebrasyon ng House of Representatives Month.

Pangungunahan ng Office of the Speaker ang flag-raising ceremony sa Lunes (Oktubre 3), at susundan ito ng “One-Stop-Shop Philippine National Police (PNP) License to Own and Posses Firearm (LTOP) Caravan” upang tulungan ang mga may-ari ng baril sa pag-aaplay ng linsensiya.

Ang caravan, isasagawa mula sa Oktubre 3-6, ay proyekto ng House Office of the Sergeant-at-Arms.

Samantala, ang unang Wednesday Mass sa Oktubre 5 ay iaalay bilang pagpaparangal sa “Our Lady of La Naval de Manila”. - Bert de Guzman

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter