Mga Laro Ngayon

(Rizal Coliseum)

7 n.g. -- FEU-NRMF vs San Jose Builders

8:30 n.g. -- Wang’s Ballclub vs Macway

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Kapana-panabik na aksiyon ang matutunghayan sa pagtutuos ng apat na star-studded team na pawang title contender sa pagpapatuloy ngayon ng 2016 MBL Open basketball tournament sa Rizal Coliseum.

Magkakasubukan ang defending champion Macway Travel Club at Wang’s Ballclub at FEU-Nicanor Reyes Medical Foundation at New San Jose Builders sa dalawang explosibong labanan simula 7 p.m.

Kapwa nagwagi ang Macway at FEU-NRMF sa kanilang mga unang laban sa San Jose Builders at Wang’s Ballclub, ayon sa pagkakasunod.

Ang Macway, nanalo ng titulo ng 2016 MBL First Conference noong Mayo, ay sasandal kina ex-PBA players Bonbon Custodio, Nino Marquez at EJ Feihl, gayundin sa beteranong sina Pol Santiago, Mark Fampulme, Jemal Viscarra at Erwin Sta. Maria.

Sina Custodio, Marquez at Santiago ang nanguna sa 90-74 panalo ng Macway laban sa San Jose sa kumpetisyon na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Star Bread, Dickies Underwear at Gerry’s Grill.

Ginagabayan ang Macway nina coach Daniel Martinez, manager Rey Alao at owner Erick Kirong.

Samantala, ang Wang’s Ballclub ay pamumunan nina Jonathan Banal at Macky Acosta at MBL chairman Alex Wang, coach Pablo Lucas at assistant coach Rodel Torralba.

Tulad ng Macway, ang FEU-NFMF ay magpapasikat sa tulong nila Fil-Canadian sensation Clay Crellin, Cameroonian import Moustapha Arafat at dating PBA players Marlou Aquino, Arnold Gamboa, Egay Billones, Eric Rodriguez at Roider Cabrera

Pinangagasiwaan ang koponan nina coach Pido Jarencio at FEU-NRMF admistrator Nino Reyes.

Ang San Jose nina coach Ranier Carpio, manager Jomar Acuzar at owner Jerry Acuzar, ay aasa naman kina Jayson Grimaldo, Nikko Lao, Lucky Boy Palogan, Jaymark Mallari, Gianne Rivera, Kevin Sumay, JP Baliday, Darry Aurelio, Josh Nicholas, Aeron Decano, Jon Acuzar, Jeff Acuzar, Etong Acuzar, JP Cruz, RR Telles, Allen Dela Cruz at Jerc Baylen.