Kilala sa pagiging pranka at matapang, at tinaguriang Iron Lady of Asia, hindi makakaila ang taglay na humor ni dating Senador Miriam-Defensor Santiago.

Sa kanyang pagpanaw nitong Huwebes ng umaga, nakapag-iwan siya ng makukulay at nakakatuwang “hugot lines” na naging patok sa mga Pilipino.

Ilan sa mga ito ay ang: “Dalawang beses lang naman kita gustong makasama: now and forever.”

“Miss, kutsara ka ba? Kasi papalapit ka pa lang, napanganga na ako.” “Pedicab ka ba? PEDICABang i-date sa Valentines Day?”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Ang pag-ibig ko parang langka. LANGKAtapusan.”

“Ang crush parang math problem, kung hindi mo makuha, titigan mo na lang.”

“Question: What is the plural form of rice? Answer: Extra rice.” “Mag-exchange gift tayo? Akin ka at sa iyo naman ako.”

“Kapag sinabi sa iyo ng boyfriend mo na nanlalamig na siya sa iyo, buhusan mo ng gasolina at silaban mo.”

“Hindi naman ako mataba eh. In fact, I’m so sexy that it overflows.”

“Hindi lahat ng sweet ay loyal sa ’yo. Tandaan, sweet nga ang candy, pero nakabalot naman sa plastic.”

“Paano mo sasabihin sa kausap mo na maitim ang kili-kili niya nang hindi siya magagalit? Ganito: Ano ba ang ginagamit mong deodorant, Kiwi shoe polish?” (Airamae A. Guerrero)