Patuloy ang pamamayagpag ng Centro Escolar University at De La Salle Zobel sa basketball, habang dominado ng San Beda College Alabang, St. Scholastica’s College at Miriam College ang volleyball sa 47th WNCAA.

Ginutay ng defending champion CEU Scorpions ang MC Maria Katipuneras sa senior cagefest, 74-13, sa SSC gym sa Malate para manatiling walang talo sa tatlong laro.

Nakopo naman ng five-time at reigning champion DLSZ Lady Junior Archers ang 4-0 karta sa midget level nang maitakbo ang 49-46 decision sa St. Paul College Pasig.

Wala ring galos ang Jr. Archers sa Junior B sa tatlong laro kasama ang 87-39 panalo sa San Beda.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Magkatali ang defending junior champion Chiang Kai Shek College at Miriam sa Junior A lead sa 2-1 sa mga itinalang panalo kontra St. Paul, 87-29, at Assumption College, 54-21, ayon sa pagkakasunod.

Sa senior volleyball, pumailanlang ang SBCA Red Lionesses ng 25-14, 25-19, 25-16 panalo kontra University of Asia and the Pacific sa Rizal Memorial Coliseum sa Malate para sa 4-0 slate.

Nasa ibabaw ng midget field ang DLSZ at St. Scholastica sa parehong 4-0 karta. (Angie Oredo)