gladys-reyes-1-copy-copy

KINUMPIRMA ni Gladys Reyes sa amin na buntis siya sa magiging ‘bagong’ bunsong anak nila ni Christopher Roxas.

Ayon kay Gladys, hindi siya makapaniwala noong una pero tuwang-tuwa silang mag-asawa nang makumpirma nilang nasa first trimester na ang kanyang newest baby.

“Another child in our family. Masayang-masaya kami lahat. Maski na sina Mama at Papa at pati na ang tatlong anak namin ni Christopher,” maigsing tugon ni Mrs. Gladys Summereux nang kontakin namin.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Pang-apat na anak na nina Gladys at Christopher ang ipinagdadalantao niya. Ang panganay nila na si Gian Christopher ay sampung taong gulang. Ang pangalawa, si Gianna Aguisha ay walong taong gulang at ang bunso ngayon na si Grant Carlin ay limang taong gulang naman.

Kuwento ng aktres, hangga’t kaya pa niya ay hindi siya pinagbabawalan ng doctor niya kaya tuluy-tuloy pa rin ang trabaho niya, hindi lang bilang host ng kanyang Moments at ng kanyang seryeng Oh, My Mama sa GMA, as MTRCB board member at pati na rin ang personal na pag-aasikaso ng mga negosyo nilang mag-asawa.

Nagkakilala sina Gladys at Christopher sa kanilang longest-running soap opera noon na Mara Clara. Bagamat may iba pang child actor na nanligaw noon kay Gladys ay si Christopher ang naging first boyfriend niya. Nagpakasal sila noong 2004.

“Never been more happier in my life. Another child in our family. Been looking for something to motivate me, and instead of something, you gave me someone. I’m just grateful, dear God. Now give me your magic and I’ll do all the work. Thank you so much,” saad ni Christopher sa kanyang Instagram post. (Jimi Escala)