Lumipad kahapon si House Deputy Speaker Raneo Abu patungong Myanmar para katawanin si Speaker Pantaleon Alvarez at ang Kamara sa 37th ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) General Assembly para isulong ang kapayapaan, katatagan at seguridad sa ASEAN region.

Gaganapin ang AIPA mula Setyembre 29 hanggang Oktubre 3 kung kailan tatanggapin ng Pilipinas ang chairmanship at pagiging host ng 38th AIPA General Assembly mula sa Myanmar.

“We are very delighted to accept, on behalf of Speaker Pantaleon D. Alvarez, the Presidency of the 38th AIPA General Assembly, which coincides with ASEAN’s 50th Founding Anniversary and the Philippine’s assumption of the ASEAN Chairmanship. Our theme would be AIPA and ASEAN: Partnering for Inclusive Change,” sabi ni Abu.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang ASEAN ay binubuo ng Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand at Vietnam. (Bert de Guzman)