BALER, Aurora – Palalaguin ng pamahalaang lokal ng Dingalan ang industriya ng turismo, na inaasahang makapagpapataas sa kita ng mamamayan dito.

Ito ang inihayag ni Dingalan Mayor Sherwin Taay, sinabing panahon na umano upang palakasin ang turismo na matagal na ring nakaligtaan.

Magpapatawag ng pulong si Taay upang buuin ang Dingalan Tourism Council, na ang mga kinatawan ay magmumula sa sektor ng negosyo at transportasyon.

Ihahanda na rin ang iba’t ibang uri ng pagsasanay para sa mga nais maging tourist guide, bankero at driver.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

(Light A. Nolasco)