taylor-britney-at-jamie-copy

SINUBUKANG ireto ni Britney Spears ang kanyang nakababatang kapatid na si Jamie Lynn sa Twilight hottie na si Taylor Lautner.

Ibinunyag ng aktor at ng kanyang co-star sa Scream Queens na si John Stamos ang pumalpak na set-up sa kanilang panayam sa Billboard sa iHeartRadio Music Festival sa Las Vegas noong Sabado.

“Britney tried to fix Taylor up with her sister one time,” ani Stamos.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“A few years ago,” paglilinaw ni Lautner. “A long time ago. We did not go out.”

Bagamat hindi ibinahagi ng dalawa, na nag-introduce sa performance ni Britney sa festival, kung bakit hindi nagtagumpay ang matchmaking, natagpuan naman na ni Jamie Lynn ang kanyang pag-ibig kay Jamie Watson.

Nagpakasal kay Watson ang 25-year-old singer, na naging ina sa edad na 26 sa anak na si Maddie, na ngayon ay edad 8 na, tatlong taon na ang nakakalipas.

Noong Hunyo, ibinahagi sa ET ng mag-asawa ang kanilang hangarin na madagdagan ang kanilang anak at lalo pang lumaki ang kanilang pamilya. “My husband would like to have kids, like, yesterday,” saad ng songstress. (ET Online)