BATANGAS CITY - Ikinulong ang isang pulis matapos maaresto sa buy-bust operation sa Batangas City.

Sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), naaresto si PO1 Randy Mindano, 34, nakadestino sa nabanggit na lungsod.

Sa buy-bust operation ng Batangas Police Provincial Office-Provincial Intelligence Branch, naaresto si Mindano dakong 1:00 ng hapon nitong Lunes, sa P. Burgos Street, Barangay 15 sa lungsod.

Nakuha umano sa operasyon ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu at P3,000 marked money.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kinumpiska rin ng mga awtoridad mula kay Mindano ang .9mm caliber na baril at mga bala na inisyu sa kanya ng pulisya.

Ayon kay Supt. Barnard Danie Dasugo, hindi kabilang sa kanilang drugs watchlist si Mindano. (Lyka Manalo)