alden-sa-mulawin-copy

LALO pang nagiging maganda at kaabang-abang ang istorya ng hit telefantasya ng GMA na Encantadia dahil bukod sa pagpasok na bagong karakter na si Paopao, ang batang ligaw na naging tagapangalaga ng ikalimang brilyante, tinututukan din ang pakikipagsapalaran ni Lakan na ginagampanan naman ni Alden Richards.

Pero hindi lang Encantadiks ang nag-aabang sa karakter niya kundi pati na si Alden mismo. Dream come true kasi ito para sa kanya dahil matagal na niyang gustong maging parte ng Encantadia.

Gustung-gusto niya ang role niya bilang isang Mulawin kaya kahit oras na ng pahinga sa taping, ayaw niyang hubarin ang costume niya.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

“No’ng ‘sinuot ko ‘yung costume, parang ayaw ko siya hubarin. Parang every after take, ‘pag medyo saglit lang naman ‘yung gap bago ‘yung next na eksena, ayaw ko siyang hubarin. Masarap sa feeling, eh. ‘Uy, parte na ako ng dati ko lang pinapanood sa TV. Grabe.”

Ang nakakatuwa, nag-trending ang episode ng pagpasok ni Alden sa show. Kaya isang mensahe ng pasasalamat ang ibinigay niya sa viewers.

“Nakakatuwa. Maraming salamat po. Na-miss ko rin talaga ‘yung pag-arte sa primetime,” aniya.

Maalaki ang magiging papel ni Lakan sa buhay ng mga Sang’gre, kaya tiyak na lalong tututukan ang Encantadia gabi-gabi.