May isang laro pa ang nalalabi, ngunit pormalidad na lamang ito para sa Perlas Pilipinas para tanghaling kampeon sa 2016 Seaba Championship for Women Sabado ng gabi sa Melacca Stadium sa Malaysia.

Nakopo ng Filipinas ang ikalimang sunod na panalo nang pabagsakin ang host Malaysia, 77-73.

Hataw si Allana Lim sa naiskor na 16 puntos, habang kumana si Afril Bernadino ng 14 puntos para panatilihin ang malinis na karta ng Perlas Pilipinas sa 5-0.

Huling koponan na haharang sa Filipinas ang Thailand, ngunit anuman ang maging resulta, tangan na ng Perlas ang kampeonato para manatiling reyna sa basketball sa rehiyon.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Tangan ang matikas na karta, nangunguna ang Perlas laban sa pinakamalapit na koponan na Malaysia na bumagsak sa 4-1.

Nag-ambag si Amby Almazan sa naiskor na 10 puntos at 12 rebound para sa Pilipinas.