DANANG, Vietnam – Nasungkit ni Philip Delarmino ang bronze medal, habang nakasiguro ng podium finish si Jay Harold Gregorio sa muay thai event ng Asian Beach Games kahapon sa dito.

Naungusan si Delarmino ni Korean yoon Deok Jae via split decision sa semifinal ng knilang men’s bantamweight class, habang nagwagi si Gregorio kay Ongar Baymuratov ng Uzbekistan sa quarterfinal ng middleweight division.

Bunsod ng panalo, nakasiguro si Gregorio ng bronze medal para sa Team Philippines.

Nagsimula ang Asian Beach Games nitong Sabado, ngunit bago pormal na umarya ang aksiyon, nakakuha na ng bronze medal ang Pinoy.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa iba pang event, pumuwesto sa ika-10 at ika-11 puwesto, ayon sa pagkakasunod sina Ma. Claire Adorna at Courtney Gray sa women’s 5km event in marathon swimming.

Nakasiguro rin ng bronze si Jonathan Polosan nang hindi dumating ang karibal sa weight-in nitong Huwebes.

Haharapin ni Polosan ang magwawagi sa laban ng Korea at Thailand para sa gold medal.

Unang nagwagi si Delarmino kontra Resul Arashov ng Turkmenistan, habang nakakuha ng bye si Polosan.

Kapwa naman nabigo sa kanilang unang laban sina Jamal Mandani at Arlyn Ranes.