UNITED NATIONS (AFP) – Inilunsad ng United Nations nitong Miyerkules ang pandaigdigang pagsisikap na labanan ang tinatawag na super-bugs na hindi tinatablan ng antibiotics, at nagbabala na mas maraming tao ang mamamatay kapag hindi dinagdagan ang mga pananaliksik.
“Some scientists call it a slow-motion tsunami,” sabi ni Margaret Chan, director-general ng World Health Organization, sa first-of-a-kind UN meeting sa problema. “The situation is bad and getting worse.”